Saturday, April 12, 2008

Ang Nanay, Ang Aso at Ang Donasyon

Dagdag sa Pamilya
Babae : Hon, malapit na tayong maging tatlo dito sa bahay natin.

Lalake : Talaga Honey, Buntis ka? Pinasaya mo naman ako sa balita mong yan,
sa wakas. Magkakaroon na tayo ng baby.

Babae
: Hindi yun ang balita ko sa'yo no!

Lalake : Eh, ano?

Babae : Si nanay dito na titira. Meron na tayong makakasama.


Katoliko si Bantay
Lalake : Father, pa-blesan ko sana sa inyo ang namatay kong aso nasa bahay.

Pari : Naku, Iho, hindo ako nagbebless ng hayop eh.

Lalake : Ganun po ba? sayang kanino ko kaya ibibigay itong P500, kelangan ko na mailibing ang aso ko.

Pari
: Ganun ba, Halike, hindi mo naman sinabi sa akin agad na katoliko pala ang aso mo.


Donasyon lang po
Pari : Doon po sa gustong mag donate para sa simbahan ay maaari po bang tumayo kapag tumutog ang pianista natin.

Pianista
: Father, ano po bang patutugtugin ko?

Pari
: Paki-tugtog mo nalang ang pambansang awit na "Lupang Hinirang".

0 comments:

  © Blogger template 'Neuronic' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP